Showbiz News

Kiko Estrada, pressured sa kanyang bagong teleserye?

By GIA ALLANA SORIANO

Si Kiko Estrada ay si Patrick Almeda sa GMA romcom-serye na That’s My Amboy!
 



Si Kiko ay ang magiging ka-love triangle ni Barbie at Andre. Kuwento ng aktor, ang character niya ay isang artista rin tulad niya. Ika niya, “Hindi ako bad boy, mabait ako [dito.] May front ako na good, na showbiz, tas ayun.” Dagdag pa niya, “Pag-aagawan namin si Barbie.”

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya ang aktres, “I’ve worked with Barbie before, actually Tween Hearts, love triangle [rin] ako ni Barbie before.”

READ: Kiko Estrada, magiging ka-love triangle ang AnBie sa 'That's My Amboy'

First time na mag-Primetime ang tambalang AnBie. May pressure ba para sa kanya na Primetime ang slot ng That’s My Amboy?

READ: Barbie Forteza at Andre Paras balik tambalan sa 'That's My Amboy' 

Sagot niya, “Pressure, kasi Strawberry Lane Primetime [rin.]” Ngunit naniniwala naman ang aktor na magiging maganda ang ratings ng That’s My Amboy. Aniya, “Pero hindi naman nagflo-flop si Barbie, laging nagra-rate si Barbie, so confident [naman ako.]”

Dagdag pa niya, "Magaling siya [si Barbie,] we help each other, pag may hindi ko ma-gets tutulungan niya ako, likewise."

Natutuwa naman si Kiko sa mga antics ni Andre Paras. Aniya, "He’s funny. Nakakatawa siya grabe. Grabe energy niya."

WATCH: Reaksyon ni Barbie Forteza nang marinig ang mga katagang 'pack-up na' 

READ: Barbie Forteza unleashes her inner Swiftie on Instagram