TV

Pauleen Luna, bibigyan ng Despedida de Soltera sa 'Sarap Diva'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong Sabado (January 23), bibigyan ni Regine Velasquez-Alcasid at ng Sarap Diva ng Despedida de Soltera si Pauleen Luna.

Sa pagbisita ni Pauleen, ikukuwento niya ang ilang detalye sa pinakahihintay niyang kasal kay Bossing Vic Sotto. Ipasisilip rin ng soon-to-be-bride ang ilan sa mga importanteng bahagi ng kanilang kasal na ni-request nila sa kanilang wedding coordinator.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Pauleen ang isang photo sa taping day na ginanap sa bahay mismo ni Regine.

Aniya, "Just finished taping for Sarap Diva. Thank you Ate @reginevalcasid!!! Ang saya!"

Abangan ang pagbisita ni Pauleen at ang kanyang Despedida de Soltera ngayong Sabado (January 23), 10:40 am sa Sarap Diva.