Showbiz News

Gladys Reyes at 'That's Entertainment' Thursday group, nag-reunion

By AL KENDRICK NOGUERA

Nagkaroon ng pagkakataong magkita-kitang muli ang mga alaga ni Kuya Germs nang bawian siya ng buhay kamakailan. Dahil dito, nagplano sila na magkaroon ng reunion.

READ: Ang habilin ni Kuya Germs sa kanyang mga alagang artista

Isa sa mga naunang mag-reunion ay ang Thursday group ng 'That's Entertainment,' ang variety show na pinangunahan noon ng Master Showman.

Ibinahagi ni 'Little Nanay' star Gladys Reyes ang kanilang reunion sa kanyang Instagram.


Present sa reunion sina Harlene Bautista, Smokey Manalotto, Melissa Silvano, Jennifer Sevilla at Vina Morales na siyang nag-host ng event. Naroon din ang aktor na si Romnick Sarmienta na galing sa Wednesday group.