Showbiz News

Mga bigating artista ng 'That's My Amboy,' Team Maru ba o Team Bryan?

By BEA RODRIGUEZ


May bangayan na magaganap sa pagitan ng matinee idol na si Bryan at ng kanyang personal assistant na si Maru. Kanino kaya kakampi ang mga bigating cast ng pinakabagong Primetime series na That’s My Amboy?

“Team Maru siyempre!” pagmalaki ni actress-TV host Donita Rose. Sino nga ba siya sa buhay ng karakter ni Barbie Forteza? “Ako ang nanay ni Maru. Excited na excited na ako na ipakita ‘yung ganung klaseng side ko, ‘yung pagkakengkoy ko na may pasundot-sundot na drama pa rin,” sambit niya.

Iba naman ang pananaw ng multi-awarded actress na si Meryll Soriano na sasabak sa kanyang kauna-unahang romantic comedy series. “Team Bryan ako [kasi] ako ang manager ni Bryan so alaga ko siya, and I look after all his schedules, his well-being and all that,” paglahad niya.

READ: #TeamBarbieForteza or #TeamAndreParas ka ba sa ‘That’s My Amboy?’

Ang gumanap naman bilang Heneral Luna sa isang indie film na si John Arcilla ay magiging protective sa kanyang anak. Saad niya sa report ng Unang Hirit, “Team Maru so ipaglalaban ko [siya]. Stuntman ‘yung role ko [dito]. From serious [sa] Heneral Luna, bigla na lang medyo light comic. Nakakaaliw!”

Hindi naman magpapatalo ang karibal ni Bryan na si Kiko Estrada sa pagiging leading man dahil Team Maru siya all the way! Napatanong pa siya, “Bakit ako kakampi sa lalaki? Actually, parang rival ako ni Bryan kasi sikat na siya [at] ako ‘yung pasikat pa lang na artista.”

Tunghayan ang nakakatuwang kuwento ng That’s My Amboy sa Lunes (January 25).

READ: Andre Paras on ‘That’s My Amboy’: ‘I’m sure tatagal ‘tong show na ‘to’