Showbiz News

Julie Anne on Mikoy Morales: 'Sobrang bagay na bagay talaga sa kanya 'yung [gay] role.'

By AEDRIANNE ACAR

Pinuri ng Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang co-star niya sa hit comedy series na 'Pepito Manalato: Ang Tunay na Kuwento' na si Mikoy Morales.

Mikoy Morales, umaming nag-e-enjoy sa gay roles

'Bring it on!' - Mikoy on gay roles

"Icon siya ng buhay ko" - Mikoy Morales on Michael V

Pumatok sa televiewers ang karakter ni Mikoy na gay friend nila Chito at Nikki sa school na si Roxy.

Ayon kay Julie Anne napakagaling daw ng Kapuso actor, dahil ginawa daw nitong real-life person si Roxy.

Saad ng Kapuso singer, "I commend his acting kasi sobrang natural niya, sobrang bagay na bagay talaga sa kanya 'yung [gay] role. Alam mo 'yun kahit na kapag tiningnan mo siya karakter lang siya, pero 'pag sa totoong buhay ma-spot mo pa rin 'yung difference di ba 'yung real Mikoy at si Roxy."

Dagdag pa ni Julie Anne napakasarap daw katrabo ni Mikoy sa set, dahil komikero din ito.

"Sobrang nakakatawa talaga and siya 'yung parang ice breaker namin eh. Everytime kapag mga barkada na usapan ganun."