Showbiz News

#FromTheArchives: Julia Clarete, sinagot na ang tanong kung bakit siya umalis ng 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar

Binasag na ni Julia Clarete ang kanyang katahimikan tungkol sa kontrobersyal niyang resignation sa longest running noontime show na 'Eat Bulaga.'

Sampung taon na naging dabarkads si Julia kaya maraming mga Kapuso ang nagulat sa biglaan niyang pag-alis sa multi-awarded noontime show.

Julia Clarete visits Ciara Sotto

Julia Clarete, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa 'Eat Bulaga


Sa exclusive interview ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng '24 Oras' ngayong Miyerkules ng gabi, binigyan linaw ng TV host/singer na ang dahilan ng kanyang pag-alis sa 'Eat Bulaga' ay para matutukan ang kanyang personal na buhay, lalo na limang taon na sila ng kanyang British boyfriend.

Paliwanag ni Julia, "Mag five years na po kami ngayon ah we decided na maybe we can move on and build something out of what we have. Mag level-up na kami."

Kasalukuyan naka-base si Julia at ang kanyang kasintahan sa Malaysia.

Dagdag niya, "Yeah it's gonna work out ang lapit lang ng Malaysia, hindi naman 'to parang States na malayo, kailangan mo ng visa."

Wala din daw katotohanan ang mga kumakalat na isyu na buntis siya o may nakaaway siyang host sa 'Eat Bulaga.'

Hiniling din ni Julia na sana ay maging masaya at ipagdasal siya ng mga dabarkads sa naging desisyon niya na umalis sa show.

"I would like to ask everyone to have the same wish for me na imbes po na malungkot kayo sana po pagdasal niyo po ako na maging buo na po 'yung desisyon ko, maging masaya ako."