Showbiz News

Vic Sotto at Pauleen Luna, tigil 'Eat Bulaga' muna para sa kanilang buhay-mag-asawa?

By CHERRY SUN


youtube.com/jasonmagbanua


Absent sa 'Eat Bulaga' ngayong araw ang bagong kasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Magpapahinga nga ba muna sina Mr. and Mrs. Sotto mula sa longest-running noontime variety show?

READ: Pauleen Luna, goodbye showbiz ngayong Mrs. Sotto na? 


Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com noong contract signing ng T.A.P.E. Inc. at GMA Network ay nagbigay ng pahayag si Henyo Master Joey de Leon tungkol dito.

"Hindi. Magha-honeymoon lang siguro 'yan mga a week or less than a week tapos wala, [balik silang] 'Eat Bulaga'," sambit ni Joey.

RECAP" The #MrAndMrsSotto Wedding 

"Eat Bulaga 'yung bahay namin eh so 'yun ang bahay nila talaga," bigyang-diin din niya.

Nagbigay din siya ng maiksing mensahe sa kanyang mga kaibigan at katrabaho. Aniya, "To Vic and Pauleen, best wishes and good luck. Good life!"