Showbiz News

Bagong Korean drama na 'You're the Best!' magsisimula na sa February 8

By MARAH RUIZ



Dahil katatapos pa lang ng The Producers at may hangover pa ang lahat kay IU, hatid ng GMA Heart of Asia Mornings ang isa na namang
? ?
Koreanovela na pagbibidahan ng Korean popstar.

Sa You’re the Best!, si IU ay si Soon-shin Lee, bunsong anak na ipinangalan sa isa sa mga pinakamamahal na bayani ng Korea. Pero parang hndi ata bagay ang kanyang pangalan dahil imbes na magpakita siya ng kagitingan, puro kapalpakan ang maasahan kay Soon-shin.

Nang madiskubre ni Soon-shin na may angking talento siya sa pag-arte, susuportahan siya ng kanyang pamilya dito. Paano kaya mababago ng bagong karera ni Soon-shin ang kanyang buhay at ang buhay ng mga malalapit sa kanya?

?Ang You're the Best! ay nanalo ng ilang awards sa KBS drama Awards noong 2013.? Kabilang dito ang Best New Actress para kay IU at Excellence Award for an Actor in a Serial Drama para sa kapareha niyang si Cho Jung-Seok. Nagawaran rin ang dalawa ng Best Couple Award para sa drama.

Abangan ang comedic acting ni IU sa You're the Best!, magsisimula na sa February 8, pagkatapos ng Dragon Ball Z sa Heart of Asia Mornings ng GMA.