Showbiz News

Lovi Poe, ipinakita ang kanyang morning face at ipinarinig ang boses

By BEA RODRIGUEZ

Walang pag-aalinlangan na ipinakita ng Kapuso star na si Lovi Poe ang kanyang bagong gising na mukha. Sinabayan pa niya ito ng pagpaparinig ng kanyang morning voice.

READ: Lovi Poe and Solenn Heussaff will make your ‘Fantaisie’ come true on February 6

Kinanta ng actress ang kanyang bersyon ng "Like a Star" para sa kanyang guesting sa 'Unang Hirit' kaninang umaga. "Too early to be singing! Morning voice, morning face. Voice warm up for Unang Hirit! Watch out for me and Solenn Heussaff [in] '‘Fantaisie!'," ani ng dalaga.


Hindi man kumanta ang actress-singer na si Solenn Heussaff dahil masama ang kanyang pakiramdam ay inihayag niya naman ang ibig sabihin ng titulo ng kanilang show. Aniya, "'Fantaisie' is the same with fantasy. Ang stage namin parang French boudoir kaya French 'yung name."


WATCH: Solenn Heussaff and Lovi Poe rehearse for their concert Fantasie

Samantala, naghahanda na ang dalawang sexy actresses para sa kanilang nalalapit na concert ngayong Sabado nang 6 p.m. sa Music Museum.