Showbiz News

Cogie Domingo, aminadong na-miss ang pagiging artista

By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by LHAR SANTIAGO

After six years, muling nagbabalik-telebisyon ang aktor na si Cogie Domingo. Ayon sa kanya, pinili niya ang GMA Network sa kanyang comeback dahil dito na rin daw siya lumaki.

WATCH: Cogie Domingo is back 

Ikinuwento ni Cogie kung paano siya nagkaroon ng chance na bumalik sa limelight. "Sa tulong po ni Boss Noel Ferrer. Sabi niya sa 'kin may casting daw so grinab ko talaga dahil sobrang na-miss ko na po 'yung TV," saad niya.

Bahagi pa niya, bagong Cogie na raw ang haharap sa mga manonood ngayon. "Ibang Cogie na in a very good way kasi dati po ang dami pong intriga," natatawa niyang sambit.

Dagdag pa niya, "Hindi ko naman po sinasabi na lahat [ng intriga] ay hindi totoo pero sa tingin ko naging magulo po talaga dati. And ngayon po iba na po talaga 'yung approach ko dahil nga may anak na ako ngayon and excited po ako sa ginagawa ko and I love my work."

Kabilang ngayon sa cast ng GMA Afternoon Prime soap na Buena Familia si Cogie. Aniya, "I'm very thankful na mapasama po ako at nag-enjoy po ako sa work namin and ang dami ko pong bagong natututunan ngayon."

READ: Cogie Domingo, balik-telebisyon sa 'Buena Familia'