Showbiz News

Derrick Monasterio, thankful sa pamamayagpag ng career

By MARAH RUIZ

Focused daw sa kanyang career ngayon si Kapuso hunk Derrick Monasterio.

Tuwang tuwa ang aktor nang mapasama sa cast ng longest running gag show ng GMA na 'Bubble Gang.'

"Ibang klase. Walang veteran-veteran. Kahit bago ka, tatanggapin ka nila sa family nila," paglalarawan niya sa cast nito.

Tila best of both worlds sa larangan ng pagpapatawa ang mararanasan ni Derrick. Kung mahahasa ng 'Vampire ang Daddy Ko' at 'Bubble Gang' ang kanyang comedy skills, mapipino naman ito ng sunud-sunod na guesting niya sa 'Sunday PinaSaya' kung saan kailangan niyang mag-perform sa harap ng isang live audience.

"Enjoy! Enjoy [ako] dito kasi iba din 'yung may live audience ah. Nakaka-boost sila ng confidence," kuwento nito tungkol sa kanyang karanasan.

Nasa cover pa ng Preview magazine ang binata, kasama ang iba pang Kapuso hunks na sina Andre Paras at Ruru Madrid.

Bukod dito, lalo pang magiging busy si Derrick dahil bibida siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Hanggang Makita Kang Muli' kasama ang ka-love team na si Bea Binene.

Narito ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa '24 Oras.'