Showbiz News

Kapuso stars share their plans for Valentine's Day

By MICHELLE CALIGAN

Ilang araw na ang ay Valentine's Day na, kaya ang ilan sa inyong paboritong Kapuso stars ay pinaghahandaan na ang pagdating ng February 14.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, iba-iba ang Valentine's Day plans ng mga artista. Imbes na date ay trabaho daw ang aatupagin ni Solenn Heussaff sa Araw ng mga Puso.

"Nasa Paris ako for Valentine's, for GMA Pinoy TV. May Euro tour kami, so one day sa London, one day sa Paris, one day sa Denmark, one day sa Rome, tapos balik sa Manila," saad ng Lakbay2Love star.

READ: Watch Solenn Heussaff perform in London, Rome and Paris this February 

Ang kanyang co-star sa pelikula na si Dennis Trillo, hindi pa raw alam kung ano ang gagawin.

"Hindi ko pa alam eh. Magse-set pa lang siguro," sagot niya ang tanungin kung napag-usapan na ba nila ni Jennylyn Mercado ang tungkol dito.

READ: Dennis Trillo and Solenn Heussaff lead green carpet premiere of 'Trip: Lakbay2Love' 

Dahil may dadaluhang kasal with her boyfriend Arthur Solinap, sa ibang araw na lang daw magdidiwang ng Valentine's Day si Rochelle Pangilinan.

"May a-attend-han kaming kasal eh. Siguro ia-adjust na lang namin ang aming date, mga February 20. Manonood ulit kami ng 'Tandem.'"

Si Lovi Poe naman, ipapaubaya sa kanyang Instagram account ang mga gagawin niya sa Valentine's Day. Bukod sa concert nila ni Solenn sa February 6, she will also turn a year older on February 11.

"Let's see na lang po what happens. Maybe through Instagram they'll find out what happened on Valentine's Day," she teased.


Video courtesy of GMA News