Showbiz News

Ano-ano ang mga katangian na hinahanap ng DongYan sa magiging godparents ni Baby Maria Letizia?

By AEDRIANNE ACAR

Busy na ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa binyag ng kanilang Baby Maria Letizia ngayong buwan.

 

Sa ulat ni GMA showbiz reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras ngayong gabi (February 5), nagbigay ng ilang detalye si Dingdong sa ginagawa nilang paghahanda at sa mga katangian na hinahanap nilang mag-asawa sa magiging godparents ng kanilang panganay.

Kuwento ni Dong, “Itong buwan na ‘to (February) 'yan ang plano kung kailan namin siguro gusto pabinyagan and inaayos pa namin sa ngayon. Gusto namin ‘yung mga magsisilbing godparents niya eh ‘yung gagabay sa kanya talaga sa kanyang paglaki at lalong-lalo na sa kanyang Christian faith.”

Ayon din kay Dingdong, makulit at active na rin daw si Baby Zia.

“Mayroon ng medyo parang gusto niya nang magsalita, may mga sounds na lumalabas sa kanya. So, parang in a way, naka-communicate na siya sa aming pananaw,” ani Dingdong.

Kamakailan lang ay napaulat na mayroong bagong TV commercial ang DongYan, kaya naman marami na ang nagtatanong na mga fans kung kailan babalik si Marian sa showbiz?

Saad ni Dingdong, “Pretty soon ay babalik na rin sa trabaho [si Marian]... so back to regular programming na 'yan.”