Showbiz News

Diana Zubiri, may balak na ba magka-baby?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Sa interview ni Diana Zubiri sa ‘Tonight with Arnold Clavio,’ inamin ng aktres na may baby plans na sila ng kanyang better half na si Andy Smith. Ayon kay Mrs. Zubiri-Smith, next year daw nila planong magkaroon ng chikitings.

Naging sweet din naman ang mag-asawa sa show, kung saan nag-exchange ang dalawa ng heartfelt messages sa isa’t isa.

Ika ni Diana, “Sana you will stay the same, simula nung naka-date kita, naging boyfriend kita, naging asawa kita. Sana sa magiging anak din natin, 'yung values na meron ka ngayon, ituro mo sa kanila, and I will love you forever.”

Napasabi pa nga ang aktres na “may forever” nga raw, sabay kiss kay Andy.
 

 

Sagot naman ni Andy, “I just wanna stay the way we are: happy, have a family, and just more happiness, more success. And yeah, just continue to be the best and bring out the best in each other. I love you.”

MORE ON DIANA ZUBIRI:

LOOK: Diana as Reyna Danaya