Showbiz News

Love advice ni Eugene Domingo sa sarili: 'I think it's about time'

By CHERRY SUN

Isang blogger na nagbibigay ng payo tungkol sa buhay at pag-ibig si Urbana Genoveva Esperanza, ang karakter ni Eugene Domingo sa "Dear Uge," ang kauna-unahan at natatanging comedy anthology on Philippine television.

Kadalasan ay love advice ang ibibigay ni Uge matapos basahin at isadula ang kanyang natanggap na kwento. Pero, ano naman kaya ang maipapayo niya para sa kanyang sarili?

READ: Eugene Domingo, may bagong ipapakita sa Dear Uge 

"Well, I think it's about time. Hindi na rin naman ako bata 'di ba. I should allow myself to fall in love," ani Eugene sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

"Because I've always been funny, right now I should allow myself to fall in love," natatawa ngunit bigyang-diin din niya.

Ganito rin ang naging pahayag ng beteranang comedienne-host sa press conference ng kanyang bagong programa.

Bahagi ni Uge, ang pinakamahalagang bagay sa kanyan ngayon ay umibig.

Sambit niya, "I should be open 'di ba. I should give myself a chance to realize and to give in to the feeling. 'Wag matakot masaktan, ma-frustrate, mag-expect. Babangon ka rin naman, at saka nandiyan naman 'yung mga kaibigan mo para bigyan ka ulit ng pag-asa.”

"Ang importante ma-in love, nakaramdam ka, that you care, sumaya, that someone cared for you. That's the most important [part]," patuloy niya.