Showbiz News

Daddy Bae enjoy maka-bonding ang mga anak sa bahay

By AEDRIANNE ACAR

Lubos ang kasiyahan ni Mr. Richard Faulkerson, Sr., o mas kilala sa tawag na Daddy Bae, na maka-bonding ang mga anak niya sa bahay. Ang tinutukoy ni Daddy Bae na mga anak ay sina Alden Richards, panganay na si R.D. Faulkerson, at ang bunso nila na si Riza Mary Christine Faulkerson. 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na  si Alden ang isa sa pinaka in-demand na showbiz personality ngayon na sumikat pang lalo, dahil sa team-up niya sa 'Eat Bulaga' beauty na si Maine Mendoza.

Sa Tweet nga ni Daddy Bae nitong Linggo (February 7), super saya daw ng kanilang tahanan at kasama niya ang kanyang tatlong anak.
 

Nag-post din si Mr. Faulkerson ng larawan ng mga awards na nakuha ni Alden para sa kanyang album  under GMA Records na "Wish I May."
 

MORE ON ALDEN RICHARDS:

Alden Richards's family, elated over his new triple platinum achievement

Alden Richards visits the wake of basketball legend Carlos "Caloy" Loyzaga

Alden Richards personally campaigns for Maine Mendoza to win in the Kids' Choice Awards