Showbiz News

Kris Bernal, si Renz Fernandez nga ba ang date ngayong Valentine’s Day?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Nauwi na nga ba sa seryosohan ang biruan nina Kris at Renz?

READ: Kris Bernal, nililigawan ni Renz Fernandez?

Sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, inamin ni Kris na, this time, totohanan na ang panliligaw sa kanya ng kanyang Little Nanay co-star na si Renz Fernandez.

Ika niya, "Mambobola effect din 'yung si Renz, eh. Pero, hindi, this time seryoso na talaga siya. Hindi ko alam paano ko ite-takenkasi nasanay din ako na binobola [niya] lang ako."

READ: Renz Fernandez, nangakong aalagaan ang puso ni Kris Bernal? 

So, paano nga ba ipinapakita ni Renz na gusto na niya maging more than friends?

Kwento ng aktres, "Nagpapadala siya sa bahay ng flowers [tapos] every taping may regalo siya sa akin, may ice cream ako. Alam mo 'yun, even little things meron ako."

Lalabas na nga ba sila ngayong February 14?

Wika ni Kris, "Tinanong na nga niya ako. Sabi ko, 'ah, pag may time sige, ikaw ie-entertain ko kasi ikaw unang nagtanong sa akin.' Jusko! Parang January palang ata nagtanong na kung pwede na ako maging date."

Na-appreciate naman daw ni Kris ang effort ng aktor para sa kanya, at hindi raw nakasara ang puso ng aktres para kay Renz.