Showbiz News

'Bubble Gang' star RJ Padilla, hindi makapaniwala na miyembro siya ng isang boy band

By AEDRIANNE ACAR

Hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso comedian na si RJ Padilla na miyembro siya ng isang boy band.

READ: P.A.R.D.'s album launch, dinagsa ng mga fans

Part si RJ ng popular boy group na P.A.R.D. na nakilala sa mga kanta nila na "Hugot" at "Huli Ka Balbon" sa YouTube.

Sa post ng aktor sa Instagram, ang bilis pa rin daw ng mga pangyayari at pinasasalamatan niya ang Poong Maykapal sa lahat ng blessings. “Ni minsan hindi ko iniisip magka banda oh humawak ng instrumento. Ibang klase talaga ang mga plano ng panginoon sa atin.”


Dagdag niya, “Maraming salamat Lord sa blessing na binigay niyo sa akin! Lalo na sa mga ka grupo ko na para sa akin ay Pamilya ko na!”

Busy ngayon sina RJ, Paolo Contis, Antonio Aquitania, Roadfill Sparks at Boy 2 Quizon sa pag-promote ng kanilang debut album at inimbitahan niya ang mga Kapuso na abangan ang kanilang album tour.

“Oo nga Pala sa mga hindi pa nakakakilala sa amin kami ang #PARD at abangan niyo kami sa mga tour namin! Hindi kami basta banda lang! Kami ay isang brotherhood na mahal ang ginagawa namin at ginagamit ang talento na binigay ng panginoon natin! #sowlidkami #brotherhood #thankyoulord #blessed”

MORE ON RJ PADILLA:

RJ Padilla ties the knot with Rosalie Bianca Abdelsayed in Tagaytay

IN PHOTOS: The Padilla-Abdelsayed wedding