Showbiz News

Rochelle Pangilinan to showcase acting chops in indie film

By MARAH RUIZ

Kabilang si Kapuso actress Rochelle Pangilinan sa cast ng independent action-thriller film na "Tandem."

Tampok sa "Tandem" ang dalawang magkapatid na nagtatrabaho bilang riding in tandem na mga magnanakaw sa Maynila. Gaganapan ito nina JM de Guzman bilang si Rex at si Nico Antonio naman bilang ang nakatatandang kapatid na si Roman.

Samantala, si Rochelle ang gaganap bilang ang nagdadalantaong asawa ni Roman na si Cha.


Na-screen na ang pelikula noong nakaraang taon sa Metro Manila Film Fest sa ilalim ng New Wave Category.

Mapapanood ang "Tandem" sa February 17 sa pinakaaabangang nationwide release nito.

MORE ON ROCHELLE PANGILINAN:

Rochelle Pangilinan, proud sa MMFF movie entry na 'Tandem'

Rochelle Pangilinan, kumukuha ng hugot para sa bagong role mula sa pagiging dating Sex Bomb dancer

Rochelle Pangilinan, dating natutulog sa papag