Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid shares the importance of spending time with kids

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid ang nakakatuwang bonding nila ng kanyang anak na si Nate nitong Chinese New Year.

Ayon sa kanyang Instagram post, nagkaroon ng lion dance sa kanilang village at na-excite umano si Nate na manood nito kasama ang kanyang Mommy Regine.


Aniya, "So kanina may dancing dragons #liondance kami sa village, super excited si Nate to see it."

Kuwento ng Sarap Diva host, masaya siya dahil natapos siya agad sa kanyang trabaho kaya nagkaroon ng pagkakataon para makasama niya ang kanyang anak.

"I wanted so much to be with him but I was working. Buti na lang natapos ako ng maaga nahabol ko sila at nasa bahay pa."


Laking tuwa naman ni Regine sa sinabi ng kanyang anak nang magpaalam muna siya para magbihis.

Kuwento ni Regine, "Sabi ko kay Nate I'll change lang and this is what he said to me. Mommy I want you to look butiful (beautiful) I want you to wear a dress so you will be pretty. At sya pa pumili ng shoes ko. He was sooooo happy mom was there. I was happy to see his face light up seeing the dragons."

Dagdag ni Regine ito ang mga pagkakataong dapat pinapahalagahan ng mga magulang dahil ito ang mga maaalala ng kanilang mga anak sa kanilang paglaki. Aniya, "Alam kong paglaki nya hindi na niya maaalala 'yung mga ganitong moments pero alam kong maaalala niya na laging kasama nya si mom and dad."