Showbiz News

Gabby Concepcion, nagbigay ng dating tips para sa mga lover boys

By BEA RODRIGUEZ

Ilang araw na lang at Araw ng mga Puso na! Nagbigay ng tips ang Kapuso leading man na si Gabby Concepcion para sa mga kalalakihang may date sa February 14. Isang “Dating 101” ang idinaraos ng Unang Hirit kasama si Boss Yummy ng Because of You.

READ: Gabby Concepcion on doing ‘Because of You’: “It’s a fresh start” 

Paano ba naghahanda ang Kapuso star para sa isang romantic date? “Maligo ka lang, importante na ‘yun! Magsipilyo ka, matulog ng maaga para hindi mukhang puyat, magsuot ka ng magandang damit para attractive o simple, puwede rin. Basta maayos!” saad niya sa panayam ni Lhar Santiago.

Maliban sa pampisikal na paghahanda, importante raw ang pakikipaghalubilo hindi lang sa iyong ka-date pero pati na rin sa mga taong nakapaligid.

“Just be nice na lang to the people. Always smile, be happy [and] be accommodating. How you want to be treated is how you treat other people,” pagpatuloy ni Boss Yummy.

READ: Carla Abellana, inamin na may crush kay Gabby Concepcion sa totoong buhay 

Malalaman mong perfect ang iyong date kung may chemistry kayo ng ka-date mo. Ayon sa charming actor, mahalaga raw ang palitan ng pag-uusap, “Mahirap ‘yung isang tanong, isang sagot.”

Huwag mo rin daw hatulan ang panlabas na anyo lamang, “Hindi naman kailangan maganda sa labas, basta maganda ‘yung loob.”

Dapat masaya lang ang Valentine’s date kaya ang pinakaimportanteng habilin ni Boss Yummy ay ang “Be yourself, magbaon ka ng jokes kung gusto mo.”

READ: Kapuso stars share their plans for Valentine’s Day