Showbiz News

Gabby Concepcion feels like he's in a travel show in 'Because of You'

By MICHELLE CALIGAN

Parang travel show daw ang Because of You ayon kay Boss Yummy a.k.a. Gabby Concepcion. Ito ay dahil sa dami ng lugar na napupuntahan nila para mag-taping.

READ: Cast ng 'Because of You,' nag-team building sa Pampanga 

"Itong taping namin, adventure 'to eh. Kung saan-saan kami nagte-taping. Maganda, para kaming travel show," kuwento niya kay Lhar Santiago ng Unang Hirit.

READ: Gabby Concepcion, nagbigay ng dating tips para sa mga lover boys

Malaki naman ang pasasalamat ng aktor sa mga tumatangkilik sa Because of You, lalo na sa tambalan nila ni Carla Abellana.

"Thank you. Successful 'yung planning ng production, ng creative department. Lahat naman kasi 'yan, bago umpisahan mag-shoot, pinag-aaralan muna nila. It's a team effort after all."

READ: Carla Abellana at Gabby Concepcion, may chemistry kahit malaki ang age gap


                                                                                   Video courtesy of GMA News