Showbiz News

Wish I May: A condition called Chimerism

By MARAH RUIZ

Nagkita na ang mag-inang sina Olivia (Camille Prats) at Carina (Bianca Umali) sa isang food bazaar.

Nakaramdam ng instant connection ang dalawa kahit hindi nila alam na mag-ina sila. Hindi rin nila alam na minsan na pala silang nagkita noong nagpa-DNA test sila ilang taon na ang nakalilipas.

WATCH: Wish I May: Olivia is back

Bakit nga ba hindi nag-match ang kanilang DNA?

Ito ay dahil may kundisyong tinatawag na Chimerism si Olivia. Ang taong may Chimerism ay may dalawang set ng DNA sa kanyang katawan. Dahil dito, maaaring hindi magkakatugma ang DNA sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Bihira man, nangyayari ito kapag ang mga embryo ng kambal na non-identical ay magsama at mabuo bilang isa, sa halip na mabuo bilang dalawang indibidwal.

Kung matatandaan, sumailalaim sina Olivia at Carina sa isang cheek swab o mas kilala sa tawag na buccal swab para makakuha ng mga cells mula sa kanilang bibig. Sa cells na ito matatagpuan ang DNA nila.

WATCH: Wish I May: The search for Cacai

Ngunit dahil sa Chimerism ni Olivia, hindi nagtugma ang kanilang DNA kahit na sila ay tunay na mag-ina. Kung sa ibang bahagi ng katawan ni Olivia kumuha ng samples — sa buhok, buto or ngipin — maaaring mag-match ang DNA nina Olivia at Carina.

Samantala, abangan ang pagpapatuloy ng kuwento nina Carina at Olivia sa "Wish I May," Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "Eat Bulaga" sa GMA Afternoon Prime.