Showbiz News

LOOK: Mama A naka-selfie ang AlDub

By AEDRIANNE ACAR

Hindi magkamayaw ang mga tao na um-attend sa Thanksgiving party na idinaos ng Kapuso Network kagabi sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel nang dumating ang "Eat Bulaga" love team na AlDub.

Reel and real couples at the GMA Thanksgiving Party 2016

Kahit ang mga artista at network executives ng GMA-7 hindi magkamayaw na mag-pa-picture kina Maine Mendoza at Alden Richards.

Isa sa mga masuwerte na nakuha ng selfie sa dalawa ang "Ismol Family" comedienne na si Carmi Martin.