Showbiz News

DongYan and AlDub shine at the GMA Thanksgiving Party 2016

By AEDRIANNE ACAR

Star-studded event ang naganap na GMA Thanksgiving Party 2016 sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel kagabi (February 10). Ang naturang trade event ay pasasalamat ng Kapuso network sa mainit na suporta ng mga advertisers sa istasyon noong 2015.

LOOK: Reel and real couples at the GMA Thanksgiving Party 2016

Ilan sa mga Kapuso stars na nagpatingkad sa gabi ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pati na rin ang AlDub superstars na sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa Chika Minute ng 24 Oras ngayong Huwebes (February 11) ng gabi, inamin ni Dingdong na nalalapit na ang pagbabalik telebisyon ng kanyang misis.

Kuwento ni Dingdong, “Actually excited na siya na babalik na rin siya sa trabaho pretty soon. So, eto ay isa sa parang warm-up na pagbabalik niya dahil malapit-lapit na rin.”

Super excited naman si Maine Mendoza na makasama sa thanksgiving party kasama ang ibang mga Kapuso.

Ani Maine, “Siyempre excited and medyo kinakabahan konti kasi first time ko, pero ayun, excited ako na nandito [ako] sa event na ito.”

Ayon naman kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, napakaganda ng 2015 para sa TV network at lahat ng ito ay dahil sa mga loyal advertisers na certified Kapuso.

Saad ni Atty. Gozon, “Para sa magandang 2015 na tinangkilik tayo ng ating mga advertisers kaya ito ay bilang pasasalamat. Itong 2016 we expect it to be better. In fact, January and February is already better.

“To our advertisers, partners, agencies, partners in the trade, our deepest appreciation for your continued support. Thank you very much, ” dagdag ni GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr.

Para naman sa Pambansang Bae Alden Richards, sana raw ay manatili ang mainit na pagsuporta ng mga advertisers sa Kapuso network sa mga susunod na taon.

Alden “Thank you po for continuously giving support to GMA all throughout these years and sana in the years to come. Sana po mas marami pang dumating na supporters and adverisers.”