Showbiz News

Aiai Delas Alas sa pagbabalik rehab ni Jiro Manio: 'Hindi po siya adik, meron lang po talaga siyang sakit'

By GIA ALLANA SORIANO

Photo by: @msaiaidelasalas (IG)

Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kay Aiai Delas Alas, kinamusta nito ang kalagayan ngayon ng dating child star na si Jiro Manio.

READ: Jiro Manio, bumalik na sa Daddy Andrew niya

Ani Aiai, “Hindi po siya nagdra-drugs, sabi ni doktora he's chronically ill, and ayoko po sana sabihin pero may sakit po si Jiro. Hindi siya stable.”

Naging emosyonal naman ang aktres nang ipagtanggol niya si Jiro sa mga nagsasabing "adik" daw ang binata.

Inilathala ni Aiai, “'Yung dignity po ng bata, iwan natin sa kanya. Hindi po siya adik, meron lang po talaga siyang sakit.”

Dagdag pa niya, “Doon po sa iba na ichinichismis pa si Jiro, sana po patahimikin na natin siya, kasi andun na siya sa loob, eh. Marami po tayong hindi alam sa pinagdaan ni Jiro, so siguro mas magiging maganda kung tatahimik na lang po tayo dahil wala naman pong magandang naiidulot 'yun sa kanya.”