Showbiz News

Aiai Delas Alas, binigyan ng life insurance ang kanyang mga fans

By GIA ALLANA SORIANO

Sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, naikuwento ni Aiai ang kanyang experience sa kanyang thanksgiving party para sa kanyang 25th anniversary sa industriya.

Ika niya, "Sa edad kong 'to ah, sa edad ko sa show business ngayon lang ako nagkaroon ng maraming fans club."


Ito ang pinakaunang fans day ng comedy actress simula nang mag-start siya sa show business. Kasama sa mga dumalo ay ang "Ai-zzz Ai-zzz Bee Bee," "AiNation," at "AiAiNatics."

To show her appreciation, nagbigay naman ng libreng life insurance ang aktres para sa kanyang fans.

Sabi pa niya, "Happy naman sila, kaya mukhang dadami pa fans ko. Sasabihin [nila,] "oi doon may libreng insurance, doon nalang tayo kay Ai Ai."