TV

Eugene Domingo, hindi makapaniwala sa nakuhang title role sa 'Dear Uge'

By CHERRY SUN

Nagsimula sa showbiz si Eugene Domingo bilang bit player at supporting character. Kaya naman, hindi siya makapaniwala na siya ang piniling gumanap at sa kanya ipinangalan ang kauna-unahang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge.

IN PHOTOS: Introducing ‘Dear Uge’

Higit dalawang dekada na si Eugene sa industriya, at bago pumasok sa showbiz ay isa siyang theater actress. Noon ay nakilala rin siya bilang sidekick ng kanyang matalik na kaibigan na si Aiai Delas Alas. Pag-amin niya, hindi niya abot-maisip na mararating niya ang araw na siya na ang mukha at pangalan ng isang programa.

Aniya, “It’s unbelievable. No really, it’s unbelievable because hindi ko akalain na aabot sa ganun. Nangyayari pala ‘yun. Ang sarap ng pakiramdam. Hindi ako makapaniwala pero tinatanggap ko ng buong-buo.

“Yinayakap ko at mamahalin ko at gagamitin ko talaga itong paraan para maibalik ko sa tao ‘yung tiwala nila. Talagang paliligayahin namin sila. Ako, gusto ko sumaya sila,” patuloy ni Uge.

Aminado rin ang host-comedienne na excited at nagpapasalamat siya sa kanyang bagong programa. Na-a-appreciate daw niya ang tiwala sa kanya ng Kapuso network sa patuloy na pagbigay sa kanya ng mga orihinal na programa.

LOOK: The variety of Kapuso characters portrayed by Eugene Domingo 

“Comedy Bar is original, Cool Center is also original, Celebrity Bluff is another original concept and then Dear Uge is again another original concept.
Nagpapasalamat ako sa GMA, sa mga creative writers na binibigyan ako ng original concept na mga projects, first in Philippine television. It’s such an honor,” sambit ni Eugene.

“Excited ako. Excited na excited ako, and that’s very important,” dagdag din niya.

Ang Dear Uge ay magsisimula na ngayong Linggo, February 14, matapos ang Sunday PinaSaya. Kuwentuwaan na!