Showbiz News

Kris Bernal, mayroong mystery admirer?

By AL KENDRICK NOGUERA

Dalawang taon na ang nakaraan mula nang napabalitang hiwalay na si Kris Bernal sa kanyang ex-boyfriend na si Carl Guevarra. Mula noon, tahimik ang love life ng Little Nanay star kaya't inakala ng marami na hindi pa siya handa sa isang relasyon.

Pero sa Instagram posts ni Kris, tila mayroong nagpaparamdam sa kanya. Lumabas ang pangalan ng kanyang co-star sa Telebabad soap na si Renz Fernandez na umaming hinahangaan niya ang aktres.

Bukod pa rito, nag-post din ang bida ng Little Nanay ng picture ng bouquet of flowers na kanyang natanggap mula sa taong hindi na niya pinangalanan.

 

"After a looooong rough day.. Got home to this! Flowers never fail," bahagi niya.

Kanino kaya galing ang mga bulaklak?

MORE ON KRIS BERNAL:

What will Kris Bernal miss most in 'Little Nanay?'

Kris Bernal reveals her beauty secret