Showbiz News

Rochelle Pangilinan, hirap bumitaw sa karakter

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Minsan daw ay matagal bago kumapit sa karakter na gagampanan niya si Kapuso dancer-turned actress Rochelle Pangilinan.

Aminado si Rochelle na sa unang mga taping days ng GMA Afternoon Prime series na Wish I May, nasa proseso pa siya ng pagi-internalize sa karakter niyang si Audrey.

READ: Rochelle, humuhugot ng emosyon para sa bagong roles mula sa pagiging dating Sex Bomb dancer

"Kumakapit ako sa isang karakter kapag nasa ikaapat na taping [day]. Medyo matagal," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

"Nadadala ko siya. Minsan kapag ganyan, matagal akong pumasok sa karakter, matagal din akong bumitaw," dagdag pa niya.

Ibig sabihin ba nito ay naiuuwi niya ang mga katangian ng mga role niya? "Like 'yung Amaya, napakatagal nung Amaya sa akin. Pati pagsasalita [ng] normal, nahihirapan ako. Napakalalim ng Tagalog ko. Imbis na 'joke lang,' ang nasasabi ko ay 'biro lang po.' Meron pa 'kong interview mga napapanood ko, may 'lamang' may 'ngunit,'" natatawang ibinahagi ni Rochelle.

READ: Rochelle, binalikan ang mga natutunan sa Amaya

Pero paglaon ay iniiwan na niya ang mga katangian ng kontrabida sa set. "Usuually, lagi ko naman siyang binibitawan. Like yung mga ginawa kong role sa Ang Lihim ni Annasandra, ang lupet! Ang hirap bitawan. Minsan may ismid ako na chaka, parang ang suplada so binibitawan ko siya," paliwanag niya.

May plano raw si Rochelle para sa karakter ni Audrey sa Wish I May. Challenge daw ito para sa kanya dahil bukod sa pakikipagbanggaan kay Olivia (Camille Prats), kailangan din niyang maging mapang-manipulang asawa ni Clark (Mark Anthony Fernandez) at mapagmahal na ina kay Tristan (Miguel Tanfelix).

"Sana ito, huwag ko siyang gawin na puro sigaw, puro galit. Medyo ibababa ko 'to ng konti. Masakit sa dibdib pero kakayanin ko yun," ayon dito.

Tunghayan si Rochelle bilang si Audrey sa Wish I May, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon

MORE ON ROCHELLE PANGILINAN:

READ: Rochelle, sinorpresa ang boyfriend na si Arthur Solinap