TV

Paano dapat mag-celebrate ng Valentine's day ayon kay Eugene Domingo?

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isang tulog na lamang at Araw na ng mga Puso. Marahil ay may ilan ang nagagahol na sa pagpaplano kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine’s day. Samantala, may ibang mungkahi si Eugene Domingo para sa araw na ito.

Tulad ng kanyang magiging role sa kauna-unahang comedy anthology sa Pilipinas na Dear Uge, tila nagpatikim sa pagbibigay-payo ang comedienne-host para sa nalalapit na Valentine’s day.

READ: Handa na ba para sa pag-ibig si Eugene Domingo? 

“For practical reasons, wag na lang kayo mag-date on Valentine’s day,” aniya.

“That’s very practical kasi makakadagdag pa kayo sa traffic ng mga lumalabas sa Valentine’s day,” patuloy na paliwanag nito.

Diin din ni Uge na hindi kailangang maghintay ng Araw ng mga Puso o buwan ng Pebrero para ipagdiwang ang pagmamahalan.

Sambit niya, “You can celebrate Valentine’s day and celebrate your love any day just as long as sincere kayo sa nararamdaman niyong love. Any day, any time you can celebrate love.”

Mapapanood na rin ang kanyang bagong programa ngayong darating na Linggo (February 14), pagkatapos ng Sunday PinaSaya. Aniya, ang pagpromote ng Dear Uge ang kanyang pagkakaablahan ngayong Valentine’s day.