Showbiz News

Who's the girl who makes Jake Vargas smile again?

By AL KENDRICK NOGUERA

Noong nakaraang taon kinumpirma nina Jake Vargas at Bea Binene ang kanilang paghihiwalay. Matapos noon, wala pang napapabalita tungkol sa love life ng dalawang Kapuso stars.

Pagkalipas ng ilang buwan, mayroong isang litrato si Jake na ibinahagi sa kanyang Instagram na nagdulot ng pagtataka sa karamihan lalo na sa kanyang followers.

 

"You are the reason I smiled again," post ng Buena Familia star sa kanyang caption.

Maraming fans naman ang natuwa sa post na ito ni Jake at ang ilan pa nga ay nag-post ng kanilang comments tulad ni Instagram user @ichang_jb2189.

Saad ng follower ni Jake, "Finally...Someone who'd be able to lighten up your life again...Lift you up in times of difficulties...and someone who'll be proud of who you really are....Marami kaming kayang umunawa sayo @imjhakevargas dahil alam namin na kailangan mo ding maging maligaya.....hoping na this time...maging maayos ang lahat."

MORE ON JAKE VARGAS:

WATCH: Jake Vargas’ ‘Love Yourself’ cover

LISTEN: Jake Vargas's cover of 'Pansamantala' by 'Callalily'