Showbiz News

Andrea Torres, nahirapang itago kay Rochelle Pangilinan ang balak ni Arthur Solinap na mag-propose

By MICHELLE CALIGAN

Isa si Kapuso actress Andrea Torres sa mga mapalad na naka-witness sa surprise marriage proposal ni Arthur Solinap sa girlfriend nitong si Rochelle Pangilinan.


Ikinuwento ng The Millionaire's Wife lead star na hindi naging madali ang pagtago niya ng plano ni Arthur para sa kaibigan.

"Ang hirap, kasi nagkukuwento siya sa akin na may date sila. Ako naman, 'Ah okay.' Eh usually, alam niya lahat ng secrets ko. So ito, naninibago ako na hindi sinasabi sa kanya. Wala siyang alam, hindi naman siya nagtanong. Hindi rin siya nag-open up na parang may natunugan siya."

Ano naman ang naramdaman niya noong mga sandaling hinihingi na ni Arthur ang kamay ni Rochelle?

WATCH: Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's proposal video

"Naiyak ako, kasi friend ko 'yun eh. Sobrang love ko 'yun. Noong [Ang Lihim ni] Annasandra, 'di ba mag-ina kami doon for a while. Parang naging true to life siya, na siya 'yung naging sister na tinatakbuhan ko sa lahat. At alam ko kung ano ang dreams niya, ang mga gusto niyang mangyari, so this is more than kung ano ang na-visualize niya. Ang sarap-sarap na nagawa 'yun sa kanya ni Art."

Very proud din daw siya sa ginawa ni Arthur.

"I'm very proud kay Art for all the effort. Very hands-on siya kaya ambilis, kasi alam na niya kung ano ang gusto niyang gawin. Talagang planado niya 'yun sa utak niya. Lalaki ang nakaisip ng lahat ng 'yun ha, may fireworks, may gazebo."

READ: Arthur Solinap thanks the people behind his successful wedding proposal