Showbiz News

Bea Binene, para daw nagwo-workout habang nagte-taping para sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


"Nakaka-challenge at mahirap" daw ang character ng Kapuso teen star na si Bea Binene sa bagong GMA Afternoon Prime soap na Hanggang Makita Kang Muli. Gaganap siya bilang isang taong asal-aso na si Anna.

READ: Bea Binene, gaganap bilang taong asal-hayop sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Makikita sa ilang trailers ng show na madalas siyang gumagapang sa lupa, "Para kang nagwo-workout habang nagte-taping kasi the way you run [and] the way you walk, ibang iba."
 
Bagong-bago rin daw ang konsepto ng kanilang show, "Dahil unang soap pa lang na ganito dito sa Pilipinas, kailangan mapaganda [at] kailangan maging makatotohanan kahit wala pa tayong basehan ng ganitong istorya."
 
Natanong pa ng Unang Hirit ang mga cast noong press conference kahapon kung para kanino ang titulong Hanggang Makita Kang Muli. Pamilya ang kanilang naisip kaagad tulad ni Kim Rodriguez, "'Yung Mom ko o 'yung Dad ko, gusto ko makita ulit silang magkasama kasi hindi ko pa nata-try na meron akong nanay [at] tatay na kasama ko kasi lumaki ako sa Lola ko lang."


Pareho naman ang sagot ng mag-inang sina Direk Laurice Guillen at Ina Feleo. Saad ng actress-turned-director, "Siyempre, 'yung asawa ko gusto kong makita muli pero siguro maghihintay ako hanggang ako'y makapunta ng langit."

READ: Bea Binene feels honored to work with Laurice Guillen 

Pagsang-ayon naman ng kanyang anak, "Definitely, 'yung tatay ko kasi gusto ko rin makita niya ako ngayon [tapos] marinig kung ano 'yung opinion niya [sa akin] ngayon."
 
Mapapanuod na ngayong March 7 ang pagbibidahang soap nina Bea Binene at Derrick Monasterio kasama rin sina Raymart Santiago, Angelika dela Cruz, Rita Avila at iba pang mga bigating artista sa industriya.
 
READ: Derrick Monasterio, nais maipakita ang 'spark' nila ni Bea Binene