Showbiz News

Regine Velasquez, nakakaramdam na ng separation anxiety kay Baby Nate dahil sa 'Poor Señorita'

By AL KENDRICK NOGUERA

Malapit nang ipalabas ang dramang pagbibidahan ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid na Poor Señorita. Bagama't itinuturing niya itong isang blessing, mayroon naman daw itong kapalit dahil magiging kaunti ang kanyang oras para kay Baby Nate.

 

"Siyempre nandyan 'yung kaunting medyo nase-stress ako nang kaunti kasi that means I have to leave Nate. I'll be working siguro four times a week so I won't be able to bring him to school," pahayag ng Kapuso singer-actress.

 

Iba raw kasi ang teleserye kung ikukumpara ni Regine sa kanyang ibang GMA projects. Aniya, "For the past four years kasi kaming dalawa lang. I mean, nag-work naman ako noong mga taon na 'yon, pero hindi ganito ka-hectic."

Dagdag pa niya, "Parang dati, I would always have time for him. Pero ngayon, medyo kino-convince ko na lang 'yung sarili ko na four months lang ['tong show]."

Ayon kay Regine, ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid muna ang nakatokang magbantay kay Baby Nate sa tuwing nasa trabaho siya.

"Once in a while siguro I'll probably ask Daddy to bring him to the set. The good thing is that my husband naman is not so busy now. Kasi talagang pine-pray namin na hindi kami magkasabay ng pagka-busy kasi dapat laging may naiiwan kay Nate. So siya naman ngayon 'yung magbabantay kay Nate. Siya naman 'yung magdadala sa school, siya 'yung susundo, lahat ng activities siya naman," bahagi ni Regine.

WATCH: What happens when Ogie Alcasid babysits Nate

Pictorial pa lamang ng Poor Señorita ay nami-miss na ni Regine si Baby Nate. "Ngayon pa nga lang mayroon na [separation anxiety]. Parang I think it's very normal naman to feel that way especially 'yung new moms, 'yung mga kagaya ko na isa pa lang yung baby, normal naman yon," pagpapaliwanag niya.

"We just have to keep praying na God will give us strength to be able to our work properly," pagtatapos ng Poor Señorita star.

READ: Regine Velasquez, ni-request na maging part sina Elyson de Dios at Ayra Mariano ng 'Poor Señorita'