Celebrities na nagpakita ng suporta sa 'Balota' premiere night

Ipapalabas na ang hit Cinemalaya 2024 film na 'Balota' na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga lokal na sinehan simula October 16. Nitong Biyernes, October 11, sa Gateway 2 Cinema, ay nagkaroon ng premiere night para sa pelikula.
Star-studded ang naganap na red carpet premiere dahil sa mga dumalong celebrities para magpakita ng suporta sa pelikula ni Marian, kasama na ang kaniyang mister at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Present din ang Shining Inheritance stars na sina Kate Valdez, kasama ang Japanese artist na si Fumiya Sankai, at si Kyline Alcantara na kasama naman is Kobe Paras. Nagbigay rin ng suporta ang Kapuso couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Tingnan sa gallery na ito ang celebrities na nagbigay ng kanilang suporta sa premiere night ng 'Balota':




























