Showbiz News

No Girlfriend Since Birth na si Carrot Man, ano ang katangian na hanap sa isang babae?

By AEDRIANNE ACAR

Isang espesyal na episode ang handog ng number one morning show ng bansa na Unang Hirit (UH) ngayong Lunes (February 29) dahil nag-guest live sa programa ang tinaguriang Igorot Bae na si Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man.

Nakakatuwa ang naging panayam ng mga UH hosts na sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera at Susan Enriquez sa lalaking bumihag sa puso ng mga kababaihan sa social media.

 

Sa panayam kay Jeyrick na tubong Brgy. Ogo-og, Kadaclan, Barlig sa probinsiya ng Mountain Province, nalaman lamang daw niya na viral na ang photo niya online nang bumisita sa pinagtatrabahuan niya ang kanilang Vice Mayor.

Kuwento ng binata, “Pumunta po ‘yung Vice Mayor dun sa pinagtatrabahuan po namin eh wala ngang signal dun. Sabi niya, 'Ganito kumakalat na 'yung ganito, picture mo' ganun po.”

Sa interview naman sa lolo ni Jeyrick na si Pio Cupasan na kasama niyang pumunta sa UH na ikinagulat ng kanilang pamilya na certified sikat na ang apo.

Paliwanag ni Lolo Pio, “We are shocked. We don’t expect this things to happen.

“We don’t really have those celebrities in our place kaya ngayon this is an opportunity.”

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, gustong ma-meet ni Jeyrick ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Tinanong din nila Arnold si Carrot Man na single at NGSB (No girlfriend since birth) kung ano ang hinahanap niyang katangian sa isang babae? Sagot ng Igorot Bae, gusto raw niya sa isang karelasyon ay masipag at maunawain.

Taos-puso ring nagpasalamat si Jeyrick sa mga nag-upload ng kaniyang photo na sina Chee-Nee De Guzman at Edwina Bandong na naging susi para makilala siya online.

Saad niya “Nagpapasalamat po ako sa kanila dahil inupload nila ang picture ko. Hindi lang po ako ang nakilala [pati ‘yung lugar namin].

Panghuli, nagpasalamat din siya sa lahat ng mga fans sa kanilang mainit na pagtanggap.

Ani Jeyrick, “Salamat po sa lahat ng mga sumusuporta sa akin, sa lahat ng nag-like at nag-post ng picture ko. Salamat po. ”

MORE ON CARROT MAN:

'Cabbage Man' steals the spotlight from 'Carrot Man,' as his photo creates buzz online!

Carrot Man memes nagsulputan sa social media

Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man, matindi ang pagnanais na muling makapag-aral