Sparkle stars, pinasaya ang global Pinoys sa Japan

Nagbigay ng saya kamakailan ang ilang Sparkle stars sa global Pinoys sa Japan sa naganap na Sparkle World Tour nitong October 19 at 20. Nagpunta doon sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Bianca Umali, Ruru Madrid, Jillian Ward, Yasser Marta, at Mark Oliveros para kumustahin at magtanghal para sa mga Pinoy na nasa bansa.
Kasama rin nila ang ilan sa mga GMA Executives katulad nina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez, Sparkle First Vice President Joy Marcelo. Nakasama rin nila si Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio at ilan sa mga kilalang panauhin mula sa Philippine Embassy sa Tokyo, sa OWWA, producers, at event partners.
Dinaluhan din ng overseas Filipino workers o OFWs ang event, kasama ang ilan pang global Pinoys na nasa Japan.
Tingnan kung paano napasaya ng Kapuso stars ang global Pinoys at OFWs sa Japan sa Gallery na ito:



















