Showbiz News

Alamin ang #RelationshipGoals ng DongYan at ng Ogie-Regine tandem

By BEA RODRIGUEZ

Kilig na kilig ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang ikuwento sa Unang Hirit ang unang date night nila ng kanyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes pagkatapos iluwal si Baby Letizia.

READ: DongYan, nag-break muna sa pag-aalaga kay baby Zia para mag-date 

"Nag-date kami once. Na-post ko 'yan kasi nakakatuwa 'yung asawa ko. Nagpadala siya ng flowers tapos may letter [at] walang pangalan kung kanino galing. Parang sabi niya, 'Pwede ba kitang ilabas kasi I admire [you] bilang isang ina. You're so dedicated and a lovable mom'," kuwento niya sa report ng morning news program.


Naging power couple silang dalawa mula nang mauwi ang kanilang love team sa isang relasyon. Mas pinatatag pa ito nang magpakasal sila sa isa't isa.

Busy man sa kanilang schedules, meron pa rin silang inilalaang oras para mag-bonding. Saad ni Dong, "By being there beside her 100 percent kung maari. I know it's not an easy task but siyempre if you know that someone's there to help you, support you, and to guide you, mas madali."

LOOK: Dingdong Dantes takes Marian Rivera on another date 

Sina Asia's Songbird Regine Velasquez at ang kanyang bestfriend-turned-husband na si Ogie Alcasid ay mahigit limang taon nang kasal. Marami man ang nadidiskubre nila sa kanilang relasyon, nanatili pa rin ang mga bagay na nagustuhan nila sa isa't isa.

Tugon ng singer-actress, "What I like about him is that he would always ask for my opinion, but he will not base his decision [from] my opinion and vice versa."

Noong nakaraang Valentine's Day, sinurpresa ni Ogie at ng anak na si Nate ang nag-iisang babae sa kanilang buhay ng isang home date.


LOOK: Ogie Alcasid’s post Valentine’s surprise for Regine Velasquez