Showbiz News

Regine Velasquez, may revelation tungkol sa pagganap niya sa 'Poor Señorita'

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Limang taon na ang nakalipas noong huling sumabak sa acting ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez nang ginagawa niya pa ang GMA Primetime soap na I Heart You, Pare!

"I'm still trying to get used to the grind. I'm still trying to get used to the [thought] that I'm back to work na," saad niya sa Unang Hirit.

Kakaiba ang kanyang role sa upcoming Telebabad soap na Poor Señorita kaya aminado ang actress-singer na medyo nahihirapan pa siya, "Medyo may konting pag-aalinlangan pa sa role, but I’m getting there. Nangangapa pa ng konti pero I’m getting there."

Isang mayaman at mataray na babae na nagngangalang "Rita" ang kanyang bibigyang buhay. Aniya, "Bitter-bitter-an lang nang very light. The character is really different kasi hindi pa ako nag-pe-play ng role na mayaman ako kaagad tapos medyo mataray, in a funny way."

Magpapatawa si Regine sa kanyang Primetime soap at unang beses pa lamang niyang makakatambal ang Kapuso hunk na si Mikael Daez. Makakasama niya rin ang Destiny Rose actress na si Sheena Halili, singer-actress Jaya, beteranang aktres na si Snooky Serna, ang child wonder na si Jillian Ward among others.


MORE ON REGINE VELASQUEZ:

WATCH: Regine Velasquez's funny driving scene in Poor Señorita taping

Bagong show ni Regine Velasquez na Poor Señorita agad nag-trend sa Twitter