Showbiz News

Regine Velasquez, naghahanda na para sa concert ngayong April

By ANN CHARMAINE AQUINO

Tuloy-tuloy ang pagpasok ng projects ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Pagkatapos ng matagumpay niyang concert na "Royals" kasama sina Martin Nievera, Erik Santos at Angeline Quinto, muli siyang magtatanghal ng isang concert ngayong April.

Sa darating na April 3, gaganapin ang concert ng 1 Walker, isang bandang binuo ni Regine kasama ang asawang si Ogie Alcasid, Jaya at iba pang mga personalidad sa music industry.

 
Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Regine ang kuwento sa likod ng bandang 1 Walker.

"It's an outreach band. We sing basically mga Christian songs and we're doing a show at the MOA Arena and it's called Reborn."

Bukod kina Regine, Ogie at Jaya, may iba pa silang special guests na dapat abangan.

"Kasama namin si Alden Richards at si Angeline (Quinto) will also be there at the concert," pahayag ni Regine.

Ang "Reborn, 1 Walker Worship Concert" ay gaganapin sa MOA Arena sa darating na April 3.


Video courtesy of GMA News