Showbiz News

Gladys Reyes, nagpasalamat sa mga katrabaho niya sa 'Little Nanay'

By AL KENDRICK NOGUERA

Ginanap na ang last taping day ng Little Nanay noong March 5 at malapit na rin magwakas ang Telebabad show.

Ngayong hindi na nagkikita-kita ang mga artista at production team, nakakaramdam na sila ng pagka-miss sa isa't isa lalo na ang veteran actress na si Gladys Reyes.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gladys ang kanyang farewell message para sa kapwa niyang beteranong aktor na si Eddie Garcia at direktor na si Ricky Davao.


"I will never forget what you have shared with us, Tito Eddie! Words of wisdom, funny anecdotes, these I will miss," saad ni Gladys.

Hindi rin pinalampas ng aktres ang pagkakataong magpasalamat sa kanilang direktor.


Aniya, "I will miss working with one of the most passionate directors I've worked with, Direk @rickyad. Thank you, Direk, for all the learnings and fun memories!"

MORE ON GLADYS REYES:

Gladys Reyes's rating on 'Little Nanay' as MTRCB Board Member: 'Very wholesome, family-oriented'

READ: Gladys Reyes's emotional farewell message for Direk Wenn Deramas

LOOK: Gladys Reyes posts 27-year-old photo with Eddie Garcia