Showbiz News

Aljur Abrenica, nagpakilig sa morning kantahan ng 'Unang Hirit'

By BEA RODRIGUEZ

Umaga pa lamang ay pinuno na ng kilig ni Kapuso hunk actor Aljur Abrenica ang studio ng Unang Hirit nang hinarana niya ang hosts na sina Lyn Ching at Suzi Abrera, pati na ang mga viewers ng kanyang third single na “Mahal Pa Rin Kita."

Ayon sa aktor, remake daw ito ng hit song noong '90s, "Ito po ay ang nagpasikat ng Rockstar during the '90s. Available na po siya [at] mada-download n'yo po 'yan through Spinner, iTunes, Deezer, Spotify at marami pang iba.”

Kakatapos lang ng kanyang morning series na Dangwa at bising-bisi siya ngayon sa pagpo-promote ng kanyang album, “On Sunday, meron po akong in-store signing sa [SM] Megamall, 5 p.m. Magkita-kita po tayo diyan.”

Inuwi rin ng actor-singer ang bragging rights mula sa kanyang performance sa Lip Sync Battle Philippines noong nakaraang Sabado (March 5) kung saan nakalaban niya ang kanyang dating ka-love team na si Kapuso star Kris Bernal.

Nasorpresa ang mga manonood ng showdown nang mag-iba ang kanyang anyo bilang si Blakdyak na kinanta ang “Modelong Charing” kasama ang aktor na si Gardo Versoza.



"Inaral ko talaga siya eh. Pinanood ko si Blakdyak sa concerts niya, kung paano niya dineliver ang kanta so I get that essence of character from him so naging babae talaga ako. Sa mga nakapanood ng Lip Sync Battle, maraming salamat po sa pagsuporta po sa amin ni Kris (Bernal). Salamat sa pagmamahal,” pagtatapos niya.

MORE ON ALJUR ABRENICA:

Aljur Abrenica Talks to Papa

AlKris, more than friends but less than lovers