Showbiz News

LOOK: Heart Evangelista, ipinasilip ang taping ng 'Juan Happy Love Story'

By MARAH RUIZ

Nagsisimula na ang taping para sa upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Tampok sa sexy and naughty romantic comedy na ito sina Kapuso stars Heart Evangelista at Dennis Trillo.

READ: Heart Evangelista at Dennis Trillo balik-tambalan sa 'Juan Happy Love Story'

Gaganap si Heart bilang si Happy, isang no-boyfriend-since-birth at ma-prinsipyong dalaga.

Samantala, si Dennis naman ay si Juan, romantic ngunit very sheltered na binata.

Ipinasilip ni Heart sa kanyang Instagram followers and isang eksena sa kanilang taping.

IN PHOTOS: GMA's new romantic comedy 'Juan Happy Love Story'

Makikitang mistulang nasa bar sina Heart at Dennis kasama ang kanilang mga kaibigan. Dito ba magkakakilala sina Juan at Happy?

Abangan ito sa Juan Happy Love Story, coming soon on GMA!