Showbiz News

Dingdong Dantes, pinarangalan sa 5th TulaKabataan Awards

By AL KENDRICK NOGUERA

Bilang isang mabuting ehemplo para sa kabataan, ginawaran ng parangal si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ginanap na 5th TulaKabataan Awards noong March 6 sa SM Mall of Asia.

Sa pangunguna ni CNN Hero of Year 2009 Efren Peñaflorida, Jr., kinilala ng Dynamic Teen Company ang pagbabahagi ni Dingdong ng pag-asa sa kabataan sa pamimagitan ng kanyang pagiging Yes Pinoy Foundation Chairman.

Matatandaang nagbigay parangal sa Pilipinas si Efren noong taong 2009 dahil sa kanyang kariton classroom. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang proyekto ni Efren na makatulong sa kabataan sa pamamagitan ng Kariton Revolution.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang tropeong nakuha mula sa TulaKabataan Awards.


"Salamat, Kuya Efren Peñaflorida and the Dynamic Teen Company for this recognition. Your movement is what encouraged us to form our "Para-paaralan para sa kahandaan" caravan, back in 2011. May you continue to inspire more young Filipinos thru your growing Kariton Revolution. Astig ka talaga, aming CNN Hero," saad ni Dingdong.

Sinagot naman ni Efren ang post ni Dingdong sa kanyang Twitter account.

MORE ON DINGDONG DANTES:

Marian Rivera pinuri ang asawang si Dingdong sa pagiging asawa at ama

Dingdong Dantes, saludo kay Marian Rivera sa pag-aalaga kay Baby Zia

Untold stories behind DongYan and Baby Zia's IG photos