TV

'Wanted: Tatay,' tampok sa 'Karelasyon'

 

 

Sawi sa pag-ibig nang dumating sa Maynila si Eva. Umalis sya sa probinsya pagkatapos malamang taksil pala ang kasintahang nakabuntis sa kanya. 

 

Pagdating dito sa siyudad ay nakilala naman ni Eva ang magkakaibigang sina Emir, Kulet at Patel na lubos na magiging mabait sa kanya, na isang bagong salta. Sa tatlo, unti-unting mahuhulog ang loob ni Eva kay Emir, na mula sa pagiging suki ng kanyang panindang bananaque ay magiging manliligaw din!

Ngunit ang hindi alam ni Eva, madalas pinagpupustahan at pinaglalaruan lamang ng magkakaibigang ito ang mga babaeng bago nilang nakikilala at natitipuhan.

Ito rin kaya ang sasapitin ng inosenteng si Eva o seryosong malasakit na ang madarama ni Emir para sa probinsiyanang dalaga? Paano nito mababago ang relasyon ni Emir sa mga kabarkadang babaero at bolero? At magiging handa ba si Emir na tumayong ama sa sanggol na nasa sinapupunan ni Eva?

Ito ang kuwentong tampok ngayong Sabado sa Karelasyon! Pagbibidahan nina Valerie Concepcion, Luis Alandy, Archie Alemanya, Glenda Garcia at JC Santos. Sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Paul Sta. Ana.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.