Showbiz News

Alden Richards, host ng first ever bikini open sa 'Sunday PinaSaya'

By BEA RODRIGUEZ

Photo by: Elisa Aquino

Mas mahaba-habang tawanan, kulitan at mga maiinit na pasabog ang mapapanood n'yo ngayong tag-init sa Sunday PinaSaya.

Ibinunyag ni Pambansang Bae Alden Richards sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ang dapat niyong abangan ngayong Linggo, March 20.

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, nagpakilig sa ‘Sunday PinaSaya’

“First-ever bikini open sa Sunday PinaSaya this coming Sunday! It’s [going to] be a real bikini contest na I’ll be hosting and may judges tayo at special guests so abangan nila kung sino [ang mga] ‘yan. It’s going to be a long segment [dahil] hahatiin ‘yung ganung segment into three,” saad ng Kapuso star.

Bukod sa mainit na pasabog ng Summer Bikini Open 2016, may good news pang hatid ang inyong paboritong Sunday noontime habit.

“What’s also new in Sunday PinaSaya is it’s extended up to 2:30 [p.m.] so mas mahabang tawanan, mas mahabang lokohan at mas mahabang enjoyment ang ibibigay natin sa mga Kapuso,” dagdag ng hunk actor.

Sasabak rin siya sa Madramarama Presents Adarna at pag-aagawan nina Punita (Aiai Delas Alas), Thorta (Barbie Forteza) at Adarna (Joey Paras).

Magiging guest rin ni Mr. Gymboy ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera upang tulungan siyang maisalba ang kanyang negosyo.

Bukod sa sorpresa ni Alden, ipakikilala na rin si Pepeng Astigidig na gagampanan ng komedyanteng si Jose Manalo at sasalang ang Little Nanay cast sa Kantaririt.

MORE ON 'SUNDAY PINASAYA':

Aiai Delas Alas welcomes Carrot Man in 'Sunday PinaSaya'

'Sunday PinaSaya' wins first award as Best Entertainment Program