Showbiz News

Puno ng superheroes ang Black Saturday ng GMA

 


Sa ngalan ng number one superhero ng mundo na si Hesus, pupunuin ng GMA ng mga superheroes ang inyong Black Saturday.

Tunghayan ang Doraemon: Nobita and the Giant's Legend of the Green Planet (7:00 am) at Pokemon: Kruyem vs. the Sword of Justice. (8:00 am).

Susundan ito ng Detective Conan: The Wizard of the Century (9:00 am), "Mariang Sinukuan" at "Mahiwagang Singsing" sa GMA original animated series Alamat (10:00 am) at Barbie in a Mermaid Tale 2 (11:00 am).

Nang ma-expose sa space radiation ang apat na scientists na sina Reed Richards, Sue Storm, Johnny Storm at Benn Grimm, magkakaroon sila ng misteryosong mga kapangyarihan. Abangan kung paano nila gagamitin ang kanilang bagong superpowers para iligtas ang mundo sa Fantastic Four (12:00 pm).

Balikan? naman? ?ang? ?pagsisimula ni Bruce Wayne bilang Batman sa unang installment ng The Dark Knight Trilogy ng batikang writer at director na si Christopher Nolan, ang Batman Begins (1:30 pm).

Limang taon nang? ?hindi nagpakita si Superman sa mundo at sa mga tao dito. Ngayon, kailangan niyang magbalik para pigilan ang bagong layang si ??Lex Luthor sa Superman Returns (3:30 pm).

Tampok? ?din ang? ?apat na maikling kuwento ng pagsubok at pananampalataya—mag-asawang 'di magka-anak, isang komunista, suicidal na doktor, babaeng ayaw lubayan ng isang kapre—sa Tanikala: Kalbaryo (5:30 pm).

Samahan si Bo Sanchez sa Forgiven (6:30 pm), kung saan ipapaliwanag niya ang salita ng Diyos sa tulong ng kanyang mga karanasan.

Huwag namang palampasin ang natatanging pagganap ni Jennylyn Mercado bilang isang babaeng may sakit na ALS o amyotropic lateral sclerosis at ni Tom Rodriguez bilang kanyang butihing asawa sa Pagsubok (7:30 pm). 

Makakahanap ba si Carla Abellana ng bagong pag-ibig sa likod ng kanyang pagpapanggap kasama si Tom Rodriguez sa So It's You (9:30 pm)?

Samahan ang award-winning journalist na si Howie Severino sa pagtuklas niya sa kinahinatnan ni Maria matapos ipako sa krus ang kanyang anak na si Hesus sa i-Witness: Nasaan si Maria? (11:00 pm).

Kilalanin naman ang babaeng may panata bawat Mahal na Araw na nagpapapako sa krus bilang penitensya sa Front Row: Babae sa Krus (11:30 pm).

Gunitain ang huling araw ni Hesus sa mundo bilang isang tao sa Way of the Cross (12:00 am).