Showbiz News

'Yo-Kai Watch,' March 28 na sa GMA!

Sa wakas, mapapanood na sa Philippine free TV ang pinakabagong anime craze na Yo-Kai Watch!

WATCH: Yo-Kai Watch: Ang pinakabagong anime craze

Habang nanghuhuli ng mga insekto sa gubat, may mapupulot na capsule ang batang si Keita Amano. Pagbukas niya nito, biglang lalabas ang yo-kai na si Whisper.

Bibigyan siya ni Whisper ng Yo-Kai Watch, isang misteryosong kagamitan na magbibigay sa kanya ng kakayanang makita at tukuyin ang iba't ibang mga yo-kai sa paligid.

Gamit ang Yo-Kai Watch, kakaibiganin nila ang iba pang mga yo-kai tulad ni Jibanyan na isang cat yo-kai. Magtutulungan sila para labanan ang ibang yo-kai na nanggugulo sa kanilang bayan.

Bibigyang boses ng mga Kapuso stars na sina Miggs Cuaderno, Mikoy Morales at Jillian Ward ang mga karakter ng Yo-Kai Watch.

WATCH: Yo-Kai Watch: The celebrity voices

Abangan ang Yo-Kai Watch, 8:00 am, Lunes hanggang Biyernes simula March 28, sa GMA Astig Authority!