Michael V., kinilala ang husay sa comedy sa 7th Gawad Lasallianeta awards

Muling pinatunayan ng Kapuso ace comedian at content creator na si Michael V. ang husay niya pagdating sa comedy.
Inanunsyo sa pamamagitan ng post sa Facebook na nasungkit ni Direk Michael ang parangal bilang Most Outstanding Comedian sa 7th Gawad Lasallianeta awards.
Kinilala rin ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento bilang Most Outstanding Comedy Show.
Matatandaan na noong 6th Gawad Lasallianeta, nasungkit din ni Bitoy at Pepito Manaloto ang kaparehong award.
Wagi rin sina Direk Michael at OPM band na Lola Amour sa 2024 Awit Awards na idinaos sa The Music Museum nang makuha nila ang parangal na Best Novelty Recording sa collaboration nila para sa parody song na “Waiting Here sa Pila.”
Mas kilalanin pa si Michael V at ang kanyang mga nagawa sa gallery na ito.




























